Crab Mentality
Isa sa mga toxic na ugali na nakikita natin sa kulturang Pilipino ay yung tinatawag na crab mentality. Alam mo yung feeling na imbes matuwa ka sa success ng iba, parang gusto mo pa silang hilahin pababa? Parang crabs sa balde, kapag may isa nang umaakyat, hihilahin ng iba para hindi makalabas. Madalas natin ‘to makita sa trabaho, sa school, o kahit sa pamilya, kapag may naiinggit o nagsasabi ng masasakit na salita sa halip na magbigay ng suporta. Ang masakit isipin, imbes na lahat tayo umangat, nagiging pabigat pa tayo sa isa’t isa. Pero kung tutuusin, hindi naman nababawasan ang sariling tagumpay kapag tumulong tayo o nag-cheer para sa iba. Sa halip, mas nagiging masaya at magaan ang buhay kapag nagtutulungan. Kaya kung gusto natin ng mas maayos na komunidad, kailangan nating iwan ang crab mentality at palitan ng pagkakaisa, suporta, at tunay na malasakit sa isa’t isa.
Comments
Post a Comment