Gitna, Di Laging Kawawa
Kapag naririnig natin ang salitang middle child, madalas ang pumapasok sa isip ng marami ay pagiging napag-iiwanan, kulang sa atensyon, o hindi gaanong mahal ng mga magulang. Maraming kwento ang umiikot tungkol sa inggit, pagkukumpara, at pakiramdam na hindi sapat. Pero iba ang naging karanasan ko. Bilang isang middle child, hindi ko kailanman naramdaman na ako’y naiwan o nakaligtaan. Si mama at papa ay pantay-pantay kung magmahal walang favoritism, walang pagkukumpara. Sa halip, pinalaki nila kami ng ate at bunso na puno ng respeto, suporta, at pagmamahalan. Kapag may achievements ang isa, hindi ito nagiging dahilan ng inggit kundi ng mas matinding suporta. Kapag may hamon, hindi ito nagiging kompetisyon kundi pagkakataon para magtulungan. Kaya’t sa tuwing nakakakita ako ng mga post tungkol sa “struggles” ng pagiging middle child, hindi ako makarelate. Dahil sa akin, ang pagiging nasa gitna ay hindi pagiging “wala,” kundi pagiging espesyal. Masaya ako sa pagpapalaki sa amin isang taha...








