Gitna, Di Laging Kawawa


Kapag naririnig natin ang salitang middle child, madalas ang pumapasok sa isip ng marami ay pagiging napag-iiwanan, kulang sa atensyon, o hindi gaanong mahal ng mga magulang. Maraming kwento ang umiikot tungkol sa inggit, pagkukumpara, at pakiramdam na hindi sapat.


Pero iba ang naging karanasan ko. Bilang isang middle child, hindi ko kailanman naramdaman na ako’y naiwan o nakaligtaan. Si mama at papa ay pantay-pantay kung magmahal walang favoritism, walang pagkukumpara. Sa halip, pinalaki nila kami ng ate at bunso na puno ng respeto, suporta, at pagmamahalan.


Kapag may achievements ang isa, hindi ito nagiging dahilan ng inggit kundi ng mas matinding suporta. Kapag may hamon, hindi ito nagiging kompetisyon kundi pagkakataon para magtulungan. Kaya’t sa tuwing nakakakita ako ng mga post tungkol sa “struggles” ng pagiging middle child, hindi ako makarelate. Dahil sa akin, ang pagiging nasa gitna ay hindi pagiging “wala,” kundi pagiging espesyal.


Masaya ako sa pagpapalaki sa amin isang tahanan na walang puwang para sa galit o inggit, kundi puno ng pagkakaunawaan at pagmamahalan. At sa gitna ng lahat ng iyon, natutunan kong ang pagiging middle child ay hindi sumpa, kundi biyaya.



Aral:

Hindi nakabatay sa posisyon sa pamilya ang halaga ng isang anak. Ang tunay na sukatan ay kung paano pinalaki ng mga magulang ang kanilang mga anak pantay, may respeto, at may pagmamahal. Kapag ang pamilya ay nagtutulungan at nagmamahalan, walang anak ang maiwan, at lahat ay nagiging espesyal.



Disclaimer:

Ang blog post na ito ay batay sa aking personal na karanasan bilang isang middle child. Maaaring iba ang karanasan ng iba, at hindi nito nilalayon na maliitin o kontrahin ang kanilang nararamdaman. Layunin lamang nito na magbahagi ng positibong perspektibo.

Comments

Popular Posts