PAPA


https://pin.it/3EW0lsd1Q

Ama, sa bawat baso ng alak,  

Pait ang iniwan, galit ang lumalak.  

Sa bahay naming puno ng sigaw,  

Pag-ibig ay nawala, lungkot ang tanaw.  


Kami’y tatlong anak na sugatan,  

Pagod sa ugali, sa iyong kasalanan.  

Hiniling naming ikaw ay mawala,  

Upang katahimikan ay aming makuha.  


Ngunit dumating ang araw na iyon,  

Sa loob ng bahay, huminto ang panahon.  

Puso’y tumigil, hininga’y nawala,  

At kami’y naiwan, luha’y bumaha.  


Ama, bakit mo pinili ang ganoong daan?  

Bakit alak ang naging kaibigan?  

Bakit sarado ang pinto sa tulong,  

Hanggang sa katawan mo’y tuluyang bumagsak sa ulong?  


Galit ay matagal naming iningatan,  

Ngunit sa huli, lungkot ang lumaban.  

Hindi ka perpekto, hindi ka banal,  

Ngunit ikaw pa rin ang ugat ng aming dangal.  


Ngayon, natutunan ko sa iyong pagkawala,  

Na ang poot ay hindi sagot sa lahat.  

Pag-ibig ay masalimuot, sugat na malalim,  

Ngunit sa puso, aral ay mananatiling taimtim.  


Ama, sa huli’y naiwan ang aral:  

Ang buhay ay marupok, ang oras ay mahal.  

At sa bawat tibok ng pusong sugatan,  

Pag-ibig pa rin ang huling pangalan.  


Comments

Popular Posts