REALISASYON


   Lumaki akong malayo ang loob sa aking ama. Dati kasi ay salinggero siya, kapag umuuwi ay lasing, umagang-umaga ay may hawak nang bote ng alak, at pag galing sa trabaho ay amoy alak. Hanggang sa lumaki ako, bihira kaming mag-usap. Kapag nag-uusap kami, tanungan lang. Iniiwasan kong makipag-usap sa kanya dahil na-trauma ako noong bata pa ako. Kapag kasi naka-inom siya ng alak, nag-aaway sila ni mama hanggang sa nauuwi sa sakitan.


Umabot sa puntong gusto ko na lang siyang mawala. At isang araw, nangyari ang hinihiling ko, namatay si papa sa bahay at hindi na umabot sa ospital. Akala ko mas gagaan ang buhay namin kung wala siya. Ngunit doon ko narealize na mas mahirap pala ang buhay nang wala ang isang masipag na padre de pamilya.


Siya pala ang nagluluto araw-araw kapag may pasok, siya ang nag-aayos ng mga sirang gamit, siya ang naglilinis ng bahay, at siya rin ang nag-aalaga sa pamangkin ko habang si ate ay nasa trabaho at kami ay nasa eskwela. Yung inaakala mong mapapadali ang buhay mo ay mas naging mahirap pala nang mawala ang taong tahimik ngunit may malaking ambag sa pamilya.



Disclaimer:

Ang larawang ginamit ay para lamang sa ilustrasyon at hindi aktwal na kuha ng aking pamilya. Ginamit ito upang ipakita ang damdamin at tema ng kwento.



Comments

Popular Posts